X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Jessy Mendiola nagsagawa ng floral pink baby shower para sa nalalapit niyang panganganak kay Baby Peanut

5 min read
LOOK: Jessy Mendiola nagsagawa ng floral pink baby shower para sa nalalapit niyang panganganak kay Baby Peanut

Jessy Mendiola ready at excited na sa nalalapit na pagdating ng first baby nila ni Luis Manzano.

Jessy Mendiola at Luis Manzano nagsagawa ng baby shower para sa nalalapit na pagdating ni Baby Peanut.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Jessy Mendiola floral pink baby shower.
  • Maternity shoot ni Jessy Mendiola.
  • Sikreto ni Jessy kung bakit siya ay blooming na buntis.

Jessy Mendiola floral pink baby shower

jessy mendiola baby shower

Pitong buwan ng buntis ang aktres na si Jessy Mendiola. Kaya naman bilang pagsalubong sa nalalapit niyang panganganak ay isang floral pink baby shower ang isinagawa nila ng mister na si Luis Manzano para sa kanilang “Baby Peanut”.

Ang nasabing baby shower isinagawa sa Palazzo Verde, Las Pinas nitong October 19 na kung saan napalibutan ang lugar ng kulay pink na mga bulaklak.

Si Jessy at Luis ay pareho ring nakasuot ng pink na talagang kumompleto sa vibes ng kanilang baby shower. Agaw pansin rin ang freshness at ganda ni Jessy Mendiola sa kaniyang pink dress. Pinatunayan niya nga ang paniniwala na kapag baby girl ang ipinagbubuntis ay nagiging mas blooming ang isang babae.

Sa naturang baby shower na dinaluhan ng malalapit na kaibigan at pamilya nila Luis at Jessy ay nagpasalamat sila sa mga ito. Dahil hindi pa man naipapanganak si Baby Peanut ay ramdam na nila ang nag-uumapaw na pagmamahal ng mga tao sa kanilang paligid para sa anak.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Teddy Manuel (@teddymanuel)

Maternity shoot ni Jessy Mendiola

Samantala, nito lang rin nakaraang mga araw ay ibinahagi ni Jessy ang ilang larawan sa kaniyang naging maternity shoot. Sa kaniyang vlog ay nagbahagi rin siya ng mga kuha ng behind-the-scenes ng naturang shoot. Makikitang tulad ng kaniyang baby shower ay blooming with flowers rin ang maternity shoot na isinagawa ni Jessy. Sa isa nga niyang Instagram post na tampok ang larawan sa kaniyang maternity shoot ay ibinahagi ni Jessy ang current status ng puso niya ngayon. Partikular na sa nalalapit na panganganak niya sa kaniyang baby at pagiging isang ganap na ina.

 “You never understand life until it grows inside of you.”

Ito ang caption ni Jessy sa kaniyang IG post na hango sa isang quote at tungkol sa maternity shoot na kung saan ibinida niya ang kaniyang malaki ng baby bump.

Tulad ng kaniyang naging baby shower ay pinuno rin ng makukulay na bulaklak ang naging maternity shoot ni Jessy.

jessy mendiola maternity photoshoot

Larawan mula sa Instagram account ni Jessy Mendiola

Bakit laging floral themed ang napipili ni Jessy para sa anak?

Una ng ibinahagi sa ginawang baby gender reveal party nina Luis at Jessy na babae ang kanilang magiging anak. Isa nga sa naging pinakamasaya sa balita ay ang ina ni Luis at Star For All Seasons na si Vilma Santos na excited ng magkaroon ng baby girl sa kanilang pamilya.

“Super happy namin. I’m sure si Momskie sobrang saya niya kasi girl talaga yung gusto niya.”

Ito ang sabi ni Jessy Mendiola ng malaman na ang gender ng kanilang baby. Dagdag pa niya, hindi mahalaga ang gender basta healthy si baby.

Si Luis may pabirong banat agad sa magiging anak.

“Ang bahay namin, hindi ko lalagyan ng pinto, puro pader lang para walang makadalaw, walang makapasok. Maaarawan siya nang 62 years old!”

Ito ang pabirong sabi ni Luis para maprotektahan umano ang anak sa mga manliligaw.

Sa ginagawa naman nilang room para sa anak ay ibinahagi ni Jessy na isusunod nila sa isang bulaklak ang pangalan nito. Kaya naman ang disensyo ng magiging kwarto nito ay puno ng kulay pink na gamit at iba pang accessories na kukumpleto sa kanilang pink floral theme.

“We are planning a baby room for Peanut. Gusto ko mabango lang tingnan, floral. ‘Yong name ni Peanut malalaman ninyo ‘yan in a few months. ‘Yong name niya binabagay namin sa room niya.”

Ito ang pahayag ni Jessy noon tungkol sa nursery room ng anak na ang nag-didisensyo ay ang kapatid niyang interior designer na si Megan Tawile.

Sikreto ni Jessy kung bakit siya blooming buntis

luis manzano as first time dad

Larawan mula sa Facebook account ni Jessy Mendiola

Kuwento pa ni Jessy, may isa siyang sikreto kung bakit blooming at fresh siya ngayong siya ay buntis. Ito ay ang hindi pagiging stress na nagagawa niya sa tulong ng mister niyang si Luis. Ito nga ang mensahe niya para sa mga preggy moms na tulad niya.

“Just support each other. Syempre nandiyan yung worries, nandyan ‘yong anxieties, nandyan ‘yong fear, nandyan ‘yong kasiyahan, pag-aalala yung doubt, it’s very important that you support each other. Be open to each other.”

Ito ang payo ng soon-to-be mom na si Jessy sa mga buntis na tulad niya at sa kanilang mga asawa.

Kamakailan lang ay lumipad rin pa-Singapore sina Jessy at Luis upang magbakasyon. Ito ay para ma-relax at saglit na magkaroon ng time para sa kanilang sarili. Lalo pa’t inaasahan nila na sa oras na dumating na ang kanilang Baby Peanut sa mga susunod na buwan ay magiging busy na sila.

 

Partner Stories
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
True Moments of Happiness in Motherhood
True Moments of Happiness in Motherhood
Plan B for Life's Unexpected Twists: 4 Tips to Protect Your Family!
Plan B for Life's Unexpected Twists: 4 Tips to Protect Your Family!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Jessy Mendiola nagsagawa ng floral pink baby shower para sa nalalapit niyang panganganak kay Baby Peanut
Share:
  • LOOK: Lunar New Year Buffets and Restaurant Promos in Manila 2025

    LOOK: Lunar New Year Buffets and Restaurant Promos in Manila 2025

  • Vic Sotto Maghahain ng Reklamo Laban kay Darryl Yap: Mga Aral sa Pagtatakda ng Hangganan at Pagtatanggol sa Pamilya

    Vic Sotto Maghahain ng Reklamo Laban kay Darryl Yap: Mga Aral sa Pagtatakda ng Hangganan at Pagtatanggol sa Pamilya

  • Vic Sotto Files Complaint Against Darryl Yap: A Lesson in Setting Boundaries and Protecting Family Values

    Vic Sotto Files Complaint Against Darryl Yap: A Lesson in Setting Boundaries and Protecting Family Values

  • LOOK: Lunar New Year Buffets and Restaurant Promos in Manila 2025

    LOOK: Lunar New Year Buffets and Restaurant Promos in Manila 2025

  • Vic Sotto Maghahain ng Reklamo Laban kay Darryl Yap: Mga Aral sa Pagtatakda ng Hangganan at Pagtatanggol sa Pamilya

    Vic Sotto Maghahain ng Reklamo Laban kay Darryl Yap: Mga Aral sa Pagtatakda ng Hangganan at Pagtatanggol sa Pamilya

  • Vic Sotto Files Complaint Against Darryl Yap: A Lesson in Setting Boundaries and Protecting Family Values

    Vic Sotto Files Complaint Against Darryl Yap: A Lesson in Setting Boundaries and Protecting Family Values

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko