glass-placeholder

Inihaw na Liempo

duration50 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner, Snack
cooking_typeGrilled
taste_typeSavory

Ingredients

  • 1 kilong liempo (pork belly)
  • 1 ulo ng bawang
  • 10 pirasong kalamansi
  • 3 kutsarang oyster sauce
  • 1/4 tasang toyo
  • 1/2 kutsaritang pamintang durog
  • 1/4 tasang oyster sauce Mga sangkap para sa Basting:
  • 1/4 tasang banana ketchup
  • 1 kutsarang asukal na pula
  • 1/4 tasang mantika
  • 1/2 tasang tubig
  • Salt and pepper to taste

Steps

  1. Sa pagpili ng liempo cut, kailangan mamula mula pa ang laman, puti ang balat, malaman at walang 'di kaaya-ayang amoy.
  2. Hugasan ng dalawang beses ang nabiling liempo. Salain sa tabi.
  3. Dikdikin ang bawang, hiwain at pigaan ang kalamansi.
  4. Sa isang bowl, pagsamahin ang dinikdik na bawayng, katas ng kalamansi, asukal na pula, oyster sauce, toyo, at pamintang durog. Haluin ng kutsara hanggang malusaw ang asukal.
  5. Sa isang malapad na lalagyan, ihilera ang nahugasang liempo. Ilagay ang marinade mixture na ginawa. Siguraduhing nababalutan lahat ng parte ng marinade upang manuot ang sarap sa inihaw na liempo.
  6. Takpan ng clingwrap at ilagay sa refrigerator ng dalawang oras. Pagkatapos ng dalawang oras, baligtarin ang liempo upang magpantay ang lasa. Ipasok muli sa refrigerator sa loob ulit ng dalawang oras.
  7. Pagluluto ng basting na sikreto ng masarap na Liempo: Sa isang saucepan, pagsamahin ang mantika, oyster sauce, banana ketchup, tubig, asukal na pula, kaunting asin, at kaunting paminta. Haluin.
  8. Isalang sa pinakamahinang apoy, habang hinahalo ng tuluy tuloy. Kapag medyo malapot na, i-off ang apoy at palamigin.
  9. Paraan ng pag-iihaw ng Inihaw na Liempo Ilagay ang uling sa ihawan, paringasan hanggang sa umapoy. Kung walang ihawan, maaaring gumamit ng stove top grill o electric griller. Maaari ring gumawa ng improvised na ihawan gamit ang dalawang hollow blocks o bricks lagyan ng uling sa pagitan at patungan ng nabibiling grilling rack sa palengke. 
  10. Isalang ang binabad na liempo kapag stable na ang init mula sa uling o hindi na gaanong malakas ang baga. Baligtarin kada limang minuto habang pinapahiran ng basting upang lalong manuot ang lasa sa liempo. Malalaman mong luto na kapag wala ng lumalabas na dugo sa laman.
  11. Kapag luto na, ilagay sa plato na may dahon ng saging. Sabayan ng sawsawan at side dishes na paborito ng inyong pamilya.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.