glass-placeholder

Munggo Recipe: Ang Ilocano version

duration50 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner
cooking_typeBoil
taste_typeSavory

Ingredients

  • 1 cup munggo beans
  • 7 cups tubig
  • 1 tablespoon cooking oil
  • 1 medium sibuyas, sliced thinly
  • 3 cloves ng bawang, minced
  • 1
  • 1 lb pork, sliced thinly
  • 2 cups chicharon (optional for garnishing)
  • 2 tali ng spinach, stems trimmed
  • 1 cup malunggay leaves
  • 3 piraso ng bunga ng malunggay
  • 1 cup alukon o himbabao (birch flowers)
  • 1 tablespoon patis
  • 2 tablespoon oyster sauce
  • Salt and pepper to taste

Steps

  1. Linisin at hugasang maigi ang munggo beans na ating gagamitin. I-drain ito. Sa isang malaking kaserola, ilagay ang tubig at munggo beans at pakuluin ito sa loob ng 30 minuto hanggang 1 oras. Alisin ang mga lulutang na balat ng munggo sa ibabaw nito. TIP: May ilang variant ng munggo na matagal palambutin kaya puwedeng ibabad muna sa tubig ang munggo sa loob ng ilang minuto bago pakuluin.
  2. Habang pinakukuluan ang munggo, igisa sa isa pang malalim na kaserola ang bawang, sibuyas, kamatis at karne ng baboy. Kapag naging light brown na ang kulay ng baboy, idagdag ang patis at oyster sauce. Patuloy itong igisa hanggang sa magmantika upang hindi mangamoy patis ang inyong munggo.
  3. Isalin ang mga iginisang rekado sa pinakuluang munggo. Haluin ito at pakuluin ng 10 minuto upang lumasa ang mga rekado sa munggo. Lagyan ng asin at paminta sa nais na panlasa. Pagkatapos nito, maaari ng ilagay ang bunga ng malunggay, dahon ng malunggay at alukon. Pakuluin muli hanggang sa lumambot at maluto ang mga ito.
  4. Huling ilagay ang spinach at chicharon. Patayin ang apoy ng kalan at takpan ang munggo sa loob ng 2 minuto. Ilagay sa isang serving bowl at ihain habang mainit pa. Enjoy! TIP: Maaari ring ilagay ang chicharon sa ibabaw kapag inihain na ito bilang garnishing. Depende sa panlasa ng kakain, puwede itong palambutin at puwede ring kainin habang crunchy pa ito kasabay ng munggo.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.