glass-placeholder

Kwek Kwek

duration25 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeSnack
cooking_typeDeep Fried
taste_typeSavory

Ingredients

  • 20 pirasong itlog ng pugo
  • 2 1/2 tasa ng all purpose flour (itabi ang ½ para sa coating)
  • 2 kutsaritang baking powder
  • 1/4 kutsaritang asin
  • 1/4 chicken powder (optional)
  • 3/4 tasang tubig
  • Mantika (deep frying)
  • 4 patak ng liquid food coloring (orange)
  • *maari ring gumamit ng gel based food coloring o atsuete na binabad sa tubig para sa pampakulay
  • 2 kutsarang cornstarch Mga sangkap para sa special Manong Sauce
  • 1 kutsarang cassava starch o potato starch
  • 1/4 cup oyster sauce
  • 2 kutsarang toyo
  • 1/4 cup brown sugar
  • 6 na butil ng bawang (dinikdik)
  • 3 tasang tubig
  • Paminta at asin

Steps

  1. Paraan sa Pagluluto ng Kwek-kwek Sa isang maliit na kaserola, hugasan at ilaga ang mga itlog ng pugo sa loob ng 5-6 na minuto. Itabi at palamigin. (Binababad ito sa pigakuluan hanggang lumamig upang madaling balatan.)
  2. Balatan kapag malamig na ang pinakulong itlog at itabi.
  3. Sa isang bowl, pagsama-samahin ang 2 tasang flour, baking powder, asin, chicken powder, at tubig. Haluin. Isunod na lagyan ng pampakulay. Itabi at i-rest sa loob ng samoung minuto upang mag-activate ang baking powder. Ito ang magsisilbing batter.
  4. Sa isang malalim na lutuan, ilagay ang mantika. Siguraduhing nasa 3 pulgada ang sukat ng mantika kapag nilagay sa lutuan. Painitin sa katamtamang apoy lamang.
  5. Ilagay ang mga nabalatang itlog ng pugo sa ½ tasang flour at pagulungin. Ginagawa ito upang kumapit ng husto ang batter sa pugo habang niluluto.
  6. Ilagay ang mga itlog ng pugo sa batter. Gawin ito ng batch by batch. Limang piraso kada batch. Gamit ang kutsara,siguraduhing nabalot ang mga itlog maigi ng batter. Iluto ng deep fry sa loob ng limang minuto kada batch. 
  7. Ihain kasabay ng Special Manong Sauce.
  8. Paraan sa Pagluluto ng Special Manong Sauce Sa isang maliit na kaserola, ilagay lahat ng mga sangkap na cornstarch, cassava starch, oyster sauce, toyo, brown sugar, bawang, tubig, paminta, at pinch ng asin. Haluing mabuti hanggang matunaw ang cornstarch at cassava starch.
  9. Isalang sa mahinang apoy habang patuloy na hinahalo. Hayaang kumulo upang lumapot.
  10. Kapag luto na, palamigin ng bahagya at ilipat sa isang malinis na bote.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.