glass-placeholder

Ingredients

  • 1 buong manok
  • 5 cloves garlic, chopped
  • 1/2 cup sukang puti
  • 1/4 cup toyo
  • 1/4 cup tubig
  • 1/2 tsp pamintang buo
  • 1 tbsp asukal
  • 1 tsp patis
  • 3 laurel leaves

Steps

  1. Linisin ang isang buong manok at hiwain na pang adobo (isang option ay ang pagbili ng ready cut-up chicken sa inyong pinakamalapit na grocery).
  2. Haluin lahat ng ingredients (maliban ang tubig, asukal at patis) at i-marinade ng at least 2 oras sa isang bowl (mas mabuti kung overnight)
  3. Ihanda ang init ng kalan to medium. Hanguin sa marinade at prituhin ang na-marinade na chicken pieces sa shallow pan or kaldero hanggang sa mamula ang mga ito.
  4. Ibuhos ang marinade, tubig at patis at pakuluin on low heat ng 30-40 minutes hanggang sa maluto at maging tender ang manok.
  5. Dagdagan ng asukal at patis kung kinakailangan.
  6. Ilagay ang nalutong adobong manok sa serving dish at ihain kasabay ng mainit na kanin.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.