glass-placeholder

Pichi Pichi

duration50 mins
difficulty_levelMedium
meal_typeSnack, Dessert
cooking_typeBoil, Baked
taste_typeSweet

Ingredients

  • 1/2 kg ng kamoteng kahoy
  • 2 tasang tubig
  • 1/2 tasang asukal
  • 1 kutsaritang lihiya (lye water)
  • 1/2
  • Kinudkod na niyog (para sa toppings)
  • Cheese (para sa toppings)
  • 1 kutsaritang ube extract Optional:
  • 1 kutsaritang pandan extract

Steps

  1. Hugasan mabuti ang kamoteng kahoy. Balatan gamit ang malaking kutsilyo. Alisin ang mga bahaging may kulay itim. Hatiin sa gitna sa tanggalin ang parang ugat na kulay puti.
  2. Sa isang malaking bowl, kudkurin gamit ang pinakapinong butas sa kudkuran.
  3. Sa kinudkod na kamoteng kahoy, ilagay ang tubig at asukal. Haluing mabuti upang matunaw ang asukal. Ilagay ang kinayod na buko.
  4. Isunod na ilagay ang lihiya o lye water. Ingat sa paggamit nito, at siguraduhing tama ang sukat. Papait ang mixture kapag napasobra at delikado sa kalusugan ang sobrang lihiya sa katawan.
  5. Ilagay ang ube extract o pandan extract. Haluing mabuti at ilagay sa mga llanera ang mixture.
  6. Kailangan kumukulo na ang tubig sa steamer bago isalang dito ang mixture. Pausukan sa loob ng 30-35 minuto, depende sa kapal ng niluluto. Magiging translucent ang kulay nito kapag luto na. Palamigin sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras upang maging buong-buo ang nalutong Pichi-pichi.
  7. Kapag malamig na, gamit ang kutsara, magscoop ng 1 kutsara ng nalutong Pichi-pichi at pagulungin sa kinudkod na niyog. Maaari ring ilagay sa plato bago lagyan ng kinayod na cheese sa ibabaw.
  8. Ihain kasabay ang mainit na kape o tsokolate.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.