glass-placeholder

Ingredients

  • 2 kangkong.
  • 2 tokwa, squares
  • 3 cloves garlic
  • 1 sibuyas na pula
  • 1/4 cup sukang puti
  • 1/8 cup toyo
  • 1/8 cup tubig
  • 1 tsp asukal
  • 1/4 tsp pamintang durog
  • Vegetable oil

Steps

  1. Hugasang maigi ang kangkong. Ibabad ito sa isang bowl na may tubig. Matapos ay hiwain lang ito ng malalaki dahil liliit pa ito habang niluluto.
  2. Hiwain ang tokwa into squares at initin ang mantika sa isang shallow pan. Prituhin ang tokwa squares on medium high heat hanggang sa maging golden brown at medyo crispy. Tanggalin ang mantika na ginamit sa pagprito at isantabi ang tokwa.
  3. Gamitin ang kaparehong shallow pan na pinagprituhan ng tokwa para igisa ang chopped na bawang at sliced ang sibuyas gamit ang medium low heat.
  4. Isunod na ilagay ang kangkong at igisa hanggang ng 1 minuto.
  5. Matapos ang 1 minuto, ilagay ang suka, toyo and laurel leaves.
  6. Ihalo ang asukal. Ang paglagay ng tubig ay optional kung sakaling maging sobrang asim o alat ng naihalong sauce.
  7. Haluin ang pinritong tokwa sa adobong kangkong at patayin ang kalan. Haluin lang nang tuluyan hanggang sa ma-absorb ng tokwa ang adobo marinade.
  8. Ilagay sa serving dish at ihain.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.