glass-placeholder

Pork Sisig

duration35 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner, Snack
cooking_typeFried, Stir Fried
taste_typeSavory
spice_typeMild

Ingredients

  • 1/4 kilo giniling na baboy
  • 2 kutsarang butter
  • 4 butil ng bawang
  • 1 piraso malaking sibuyas na pula
  • 2-3 piraso siling berde o pansigang
  • 1 piraso malaking sibuyas na puti
  • 2 kutsaritang toyo
  • 1
  • 1 itlog na maalat
  • 1 kutsaritang asukal
  • Mayonnaise
  • Calamansi
  • Dinurog na chicharon (optional)
  • Asin at paminta

Steps

  1. Tadtarin ang bawang, sibuyas na pula, sibuyas na puti, bell pepper, at sili. Durugin ang itlog na maalat gamit ang tinidor. Set aside.
  2. Sa isang kawali, maglagay ng butter, igisa ang bawang hanggang maging golden brown, isunod ang sibuyas na pula, at sibuyas na puti. Igisa sa loob ng limang minuto.
  3. Ilagay ang giniling, iluto sa loob ng sampung minuto habang patuloy na hinahalo upang manikit at masunog sa kawali. Timplahan ng toyo, asukal, kaunting asin at paminta o timplahan ng naayon sa panlasa.
  4. Ilagay ang tinadtad na bell pepper, at haluin. Isunod ang itlog na maalat. Iluto sa loob ng isang minuto.
  5. Patayin ang apoy at ilagay ang siling berde at dinurog na chicharon. Ang chicharon ay optional lamang para sa extra crunchy na Pork Sisig.
  6. Pakahain, lagyan lang ng mayonnaise sa ibabaw at kalamansi. Ready to eat na ang Healthy version ng Pork Sisig. Ihain sa mainit na kanin at tiyak na ikaw ay mapaparami ng kain.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.