glass-placeholder

Sesame Seed Balls

duration35 mins
difficulty_levelMedium
meal_typeSnack, Dessert
cooking_typeFry
taste_typeSweet

Ingredients

  • 1 lb glutinous rice flour
  • 1 1/4 cups dark brown sugar
  • 1 1/4 cups water
  • 1/2 cup red bean paste or 3 oz dark chocolate, chopped into small pieces
  • 1 cup sesame seeds
  • Cooking oil for deep frying

Steps

  1. Ilagay ang rice flour sa malaking bowl. Pakuluin ang tubig at idagdag ang brown sugar, stirring to dissolve.
  2. Ibuhos ang sugar water sa rice flour at haluin gamit ang wooden spoo o spatula. Puwede mong dagdagan ang 1/3 cup ng tubig pa kung mukhang tuyo pa ang mixture. Kapag puwede nang hawakan, gamitin ang kamay para mag-knead ng dough. Huwag masyado para hindi tumigas ang dough.
  3. Kapag naging malambot at smooth ang dough, kumuha ng isang piece na kasing laki ng golf ball, at gawin bola. Ilagay sa isang dish o bowl, at takpan ng plastic wrap. Ipagpatuloy sa lahat ng dough.
  4. Kumuha ng isang bola at gumawa ng butas gamit ang thumb mo. Ipasok ang 1 teaspoon ng paste o chocolate sa loob. Pinch ang gilid ng butas ng pasara, at takpan lahat ng filling. I-roll ito sa gitna ng kamay mo para maging makinis ang bola at walang butas.
  5. Ibasa ang kamay ng tubig at igulong ang bola sa isang plato na may sesame seeds. Idiin ng konti yun bola sa sesame seeds para dumikit. Itabi sa isang plato at gawin ito sa ibang mga bola.
  6. Initin ang oil sa isang pan para umabot ng mga 180degrees C.
  7. Depende sa laki ng pan na gamit, mag lagay ng mga 4-5 dough balls para maluto. Gumamit ng wooden spoon para magalaw ang mga bola at maprito sila sa lahat ng gilid para di masunog. Kapag godlen brown na mga seeds, luto na ang bola. Ulitin sa mga ibang bola.
  8. Tanggalin ang mga luto na bola sa pan, at ilapag sa paper towel o rack para matanggal ang excess oil. Dapat ma-serve agad, at masarap ang bola kapag medyo mainit pa.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.