glass-placeholder

Ingredients

  • 1 cup asukal
  • 1 can condensed milk (14 oz)
  • 12 large eggs (14 piraso kapag medium eggs)
  • 1 can evaporated milk (12 oz)
  • 1 teaspoon vanilla extract

Steps

  1. Kunin ang lahat ng itlog at ihiwalay ang yolk sa puti. Ang egg yolk ang gagamitin natin sa recipe na ito. Ilagay ang mga egg yolk sa isang malaking bowl na paghahaluan natin ng mga sangkap. Batilin ang mga egg yolk gamit ang egg beater o tinidor.
  2. Ilagay ang condensed milk at haluing maigi. Isunod ang evaporated milk at vanilla extract. Gamit ang manipis na mesh o pinong salaan, salain ang mixture upang matanggal ang mga naiwang puti ng itlog. Itabi muna ito. Note: Ang vanilla extract ang magtatanggal ng amoy ng itlog sa ating leche flan. Kailangang salain ang mixture para maging smooth ang ating mga flan.
  3. Kunin ang mga llanera o mold ng leche flan. Isalang ng low heat sa kalan at lagyan ng asukal ang mga llanera. Hayaang matunaw o mag-caramelized ang asukal. Kapag naging kulay honey na ito, ihango ang mga llanera at itabi.
  4. Dahan-dahang ibuhos ang egg mixture sa mga llanera. Huwag punuin ang mga llanera dahil aalsa ang mixture kapag naluto na. Takpan ng aluminum foil ang ibabaw ng mga llanera.
  5. Oven-baking Ilagay ang mga llanera sa isang oven-safe dish o malapad na baking pan na may tubig (water-bath technique). Note: Tiyakin na nasa 1 inch ang taas ng tubig sa baking pan upang hindi ito matuyo sa oven.
  6. I-bake sa oven sa temperaturang 375 F sa loob ng 50 minutes. Mag-toothpick test upang malaman kung luto na ang custard. Kapag malinis ang toothpick, luto na ito. Tanggalin ang mga llanera sa oven at tanggalin din ang mga aluminum foil. Palamigin ito sa room temperature bago ilagay sa ref. Kung kakainin na ang leche flan, itaob ang llanera sa isang plato para lumabas ang custard. Serve and enjoy!
  7. Steam-baking: Ilagay ang mga llanera sa steamer at i-steam ang mga ito sa loob ng 30 minuto. Pagkatapos, palamigin ang mga llanera sa room temperature bago ilagay sa ref. Kapag kakainin na ang leche flan, itaob lang ang llanera sa isang plato para lumabas ang custard. Serve and enjoy!
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.