glass-placeholder

Daing na Bangus 🐟

duration25 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeBreakfast, Lunch, Dinner
cooking_typeGrilled
taste_typeSavory

Ingredients

  • 3
  • 1 cup suka
  • 6 cloves ng bawang, crushed
  • 1 kutsarang pamintang buo
  • 1 kutsaritang asin
  • Cooking oil

Steps

  1. Hugasang maigi ang mga bangus sa running water upang matanggal ang mga naiwang dugo at laman-loob. I-drain ito at itabi.
  2. Sa isang malinis na palanggana o malalim na bowl, pagsama-samahin ang suka, asin, pamintang buo at bawang at haluin ito. Tiyakin na kasya ang buong isda sa loob ng bowl o palanggana.
  3. Ilagay ang isda. Tiyaking nakalubog itong maigi upang mababad nang maigi sa marinade ang buong bangus. Ilagay sa refrigerator at hayaan itong ma-marinate ng 4 na oras o mas mainam ay overnight. Mas manunuot ang marinade sa laman ng isda kapag mas matagal itong nakababad.
  4. Kapag handa ng lutuin ang daing na bangus, i-drain ito mula sa marinade. Nasa sa iyo kung tatanggalin mo ang mga bawang at paminta kapag pinirito ito. Mas mainam kung tatangggalin ito. Itapon ang marinade.
  5. Sa isang malaking kawali, ilagay ang cooking oil at isalang ang kalan sa medium heat. Tiyaking nasa 1-inch ang taas ng mantika upang ma-deep fry ang isda. Dahan-dahang ilagay ang bangus sa kawali. Lutuin ang bawat side ng tig-5 minuto o hanggang sa maging golden brown ang kulay nito. TIP: Unahing i-prito ang side na may kaliskis upang hindi madurog ang isda.
  6. Ihango ang bangus mula sa kawali. Ilagay sa platong may kitchen towels o tissue upang masipsip nito ang excess oil ng isda. Serve and enjoy!
  7. Para sa sawsawan: Magdikdik ng 2 cloves na bawang at hiwain ng maliliit. Ilagay sa isang platito at lagyan ng suka at kaunting asin. Maaari ring maglagay ng konting pamintang durog at siling labuyo kung nais ng maanghang na sawsawan.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.