glass-placeholder

Paksiw na Bangus

duration40 mins
difficulty_levelEasy
meal_typeLunch, Dinner
cooking_typeBoil
taste_typeSavory
spice_typeMild

Ingredients

  • 1 buong Bangus, nilinis at hiniwa sa 4 hanggang 5 piraso
  • 1 ampalaya
  • 2 pirasong talong
  • 1 1/2 tasang tubig
  • 1/2 tasang suka
  • 1 pinitpit na luya, isang hinlalaki ang sukat
  • 1/4 kutsaritang pamintang buo
  • 2 pirasong berdeng siling haba

Steps

  1. Hiwain ang ampalaya sa kalahati ng pahaba. Alisin ang puting bahagi at ang mga buto. Hiwain uli ng maninipis at ibabad sa tubig na may asin para maalis ang pait. Isantabi muna ito.
  2. Hiwain ang talong ng pahaba tapos hiwain uli ng maliliit (1 inch ang haba). Ibabad rin ito sa tubig na pinigaan ng kalamansi o lemon at isantabi.
  3. Ilagay ang tubig at suka sa isang kaldero. Huwag itong hahaluin. Hayaan lang itong kumulo ng ilang minuto. Ilagay ang luya at pamintang buo at pakuluin ito.
  4. Ilagay ang bangus. Takpan. Hayaang maluto sa loob ng 8 hanggang 10 minuto.
  5. Banlawan ang ampalaya na binabad sa tubig na may asin. Alisin rin ang talong sa pinagbabarang tubig. Ilagay ang mga gulay na ito sa kaldero at takpan.
  6. Hinaan ang apoy. Ilagay ang siling haba at pakuluan uli ng 5 minuto.
  7. Ihain ng may kasamang patis na sawsawan. Pwede mong lagyan ng sili kung gusto mong maanghang.
Please be mindful of any allergies you and/or your family may have before you try out this recipe.